Intel officer ng PNP, nasawi sa COVID-19

39

Muling nadagdagan ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ang iniulat ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kaya umabot na sa kabuuang 81 na tauhan ng PNP ang namatay matapos maging infected ng COVID-19.


Aniya ang nasawi ay 40 anyos na non-commissioned officer at intelligence officer na nakatalaga sa PNP Quezon province.

Sa ulat na nakarating kay PNP chief, July 24 nang isugod sa ospital ang pulis dahil sa matinding sakit ng ulo at lagnat. Agad syang isinailalim sa RT-PCR swab test at nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Hanggang sa nitong July 26 ay nahirapan na sa paghinga ang pulis at namatay dahil sa severe pneumonia.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Eleazar sa pamilya ng nasawing pulis.



Sa ngayon mayroon nang 30,010 ang kabuaang COVID cases sa PNP, 917 dito ang active cases habang 29,012 ang gumaling na sa sakit.

Facebook Comments