MAGSASAKANG NAKATAPAK NG LIVE WIRE, NAKURYENTE, PATAY

26

Patay ang isang magsasaka matapos makuryente sa Sison, Pangasinan alas 10: 00 ng umaga kahapon, ika- 27 ng Hulyo.

Nakilala ang nasawi na si Eugene Marata, 49 anyos, residente ng brgy. Caalbarisan Esperanza, Sison kung saan mismong Brgy. Captain ang nagreport sa pulisya ng naturang insidente.


Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nakita umano ang magsasaka pasado alas 7 ng umaga na naglalakad sa palayan kung saan natapakan nito ang nakalaylay na kable ng kuryente ng LUELCO.

Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente, napuruhan ang kanyang paa at ng dahilan ng agarang pagkawala ng kanyang buhay.

Dinala pa sa hospital si Marata ngunit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments