Masayang sinalubong ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang pagdating ng Ms Swan Hellenic – Minerva International Cruise Ship, sa Hundred Islands National Park, na nagdala ng daan-daang dayuhang turista mula sa iba’t ibang bansa.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism – Region 1, maayos na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ang pagdating ng mga bisita bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng turismo at pagpapakilala sa mayamang kultura at likas na yaman ng Alaminos City.
Tiniyak din ng mga awtoridad ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga turista habang namamalagi sa lugar.
Kabilang sa mga aktibidad na inihanda para sa mga dayuhang bisita ang guided tours sa mga pangunahing isla ng hundred islands at pagbabahagi ng kasaysayan at biodiversity ng kilalang destinasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaking oportunidad para sa turismo at lokal na negosyo ang pagdating ng international cruise ship dahil mas napapakilala nito sa buong mundo ang natatanging ganda ng hundred islands at nakatutulong sa pagpapalakas ng pandaigdigang turismo sa lungsod.
Nagpahayag din ng kasiyahan ang ilang netizens sa pagbisita ng cruise ship sa bansa at hinangaan ang patuloy na pagdami ng mga turistang bumibisita sa mga kilalang destinasyon sa Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






