Tuesday, May 5, 2026

Ilan miyembro ng PISTON, muling nagkasa ng protesta matapos ang panibagong oil price hike

Muling nagkasa ng kilos-protesta ang ilang tsuper ng jeep na mga miyembro ng grupong PISTON.

Ito’y sa bahagi ng service road ng Roxas Blvd. sa Baclaran, Pasay City, kung saan mariin nilang kinokondena ang muling pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.

Giit ng ilang miyembro, hindi pa sila nakakabawi sa kita ng kanilang biyahe matapos ang katiting na rollback pero muli na naman nagpatupad ng oil price hike.

Mariin nilang panawagan sa pamahalaan na tanggalin na ang VAT at excise tax sa langis lalo na’t walang kasiguraduhan kung kailan tuluyan matitigil ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Muli rin nilang panawagan na ibasura na ang Oil Derugalation Law na nagpapahirap sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan kung saan ang mga malalaking kumpaniya ng langis ang nakikinabang dito.

Kanila rin pinakikilos ang pamahalaan para mapanagot ang mga nagpabaya kung bakit biglang lumobo ang presyo ng ilang mga produktong petrolyo.

Facebook Comments