Monday, May 11, 2026

Sen. Robin Padilla, nakipagkita kay Sen. Bato dela Rosa

COURTESY: Senate of the Philippines/Facebook

Inamin ni Senator Robinhood Padilla na nagkita sila kamakailan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang sinabi ni Padilla matapos ihayag ang kaniyang naging payo kay Dela Rosa na huwag itong lilitaw, sa gitna ng panibagong ugong na mayroong warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa senador.

Sinabi ni Padilla na kailan lang ay nagkita pa sila ni Dela Rosa at aniya pa handa na ito sa gyera.

Giit ng senador, hindi naman wanted at kriminal si Dela Rosa kaya sa tuwing pinatatawag siya ay dumarating siya para rito.

Gayunman, sakali namang batas at awtoridad ng Pilipinas ang maghahanap kay Dela Rosa, sinabi ni Padilla na siya pa ang magsusuko sa kasamahan.

Facebook Comments