Monday, May 11, 2026

154.85 KILO NG BASURA, NAKOLEKTA SA CLEANUP DRIVE SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK

Umabot sa kabuuang 154.85 kilo ng basura ang nakolekta mula sa baybayin at ilalim ng katubigan ng hundred islands national park sa isinagawang quarterly scubasurero ng department of environment and natural resources (DENR) noong Mayo 8.

Parehong nilinis ng mga kalahok ang baybayin at ilalim ng dagat upang alisin ang mga basurang maaaring makasira sa kalikasan at magdulot ng panganib sa yamang-dagat at mga turista.

Ayon sa DENR, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga karagatan at iba pang likas na yaman ng bansa.

Hinimok din ng mga opisyal ang publiko na pairalin ang wastong pagtatapon ng basura at aktibong makiisa sa mga programang pangkalikasan upang maprotektahan ang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng mga yamang-dagat sa kilalang destinasyong panturismo sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments