Monday, May 11, 2026

Pagkakaroon ng emergency rice reserve, tinutukan sa nagdaang ASEAN Summit

Kasama sa mahahalagang napag-usapan ng mga lider ng ASEAN sa katatapos na 48th ASEAN Summit ang pagtatatag ng emergency rice reserve para matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa panahon ng krisis.

Bahagi ito ng usapin sa food security, isa sa tatlong pangunahing prayoridad na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa summit.

Ayon sa pangulo, kasabay ng talakayan sa seguridad sa enerhiya at fuel reserves ng ASEAN, napagtuunan din ng pansin ang pagbuo ng reserbang bigas na maaaring paghati-hatian ng mga bansa sa rehiyon kapag may kakulangan sa suplay o kalamidad.

Layunin nitong mapanatili ang sapat na pagkain, matatag na presyo ng bigas, at seguridad sa pagkain sa buong rehiyon.

Matatandaang sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng, napagkasunduan din ang pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo sa kalakalan ng bigas sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Facebook Comments