Kabilang ang Mangatarem sa 306 na lokal na pamahalaan sa bansa na napabilang sa mga benepisyaryo ng programa, na naglalayong suportahan ang rehabilitasyon at recovery efforts ng mga lugar na napinsala ng mga nagdaang kalamidad.
Personal na dumalo si Mayor Jensen Viray-Ventenilla sa isinagawang ceremonial turnover sa Malacañang Palace noong November 5, 2026.
Layunin ng pondong ipinagkaloob na makatulong sa pagpapanumbalik ng mga kabuhayan, imprastraktura at sektor ng agrikultura na naapektuhan ng mga kalamidad sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magsasagawa ito ng masusing pagpaplano at pagtukoy sa mga prayoridad na paggagamitan ng pondo para tiyak na maipatutupad ang mga kinakailangang proyekto alinsunod sa umiiral na mga patakaran at proseso.
Inaasahang makatutulong ang naturang assistance sa pagpapabilis ng pagbangon ng mga komunidad at pagpapanumbalik ng mga serbisyong naapektuhan ng mga nagdaang sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








