Friday, May 22, 2026

Isang grupo ng mga manggagawa, nananawagan sa DOLE kaugnay ng hindi patas na separation pay disbursement ng mga manggagawa ng Kowloon House West Chaper

Mariing kunundina ng Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries ang premature separation pay disbursement ng Kowloon House West Chaper sa kanilang mga naging empleyado kahit gumugulong pa ang negosaston sa Department of Labor and Employment o DOLE.

Ang separation pay kasi umano ay katumbas lang ng 15 araw na pagtatrabaho sa kada taon ng serbisyo kahit pa sinabi na ng DOLE na dapat ay 22.5 days ito kada taon ng serbisyo.

Ayon sa mga manggagawa, sinisira umano ng nasabing aksyon ng management ang integridad ng coalition process at nagbibigay ng pressure sa mga mangaggawa na tanggapin ang hindi patas na kondisyon.

Isa pa sa concern ng mga manggawa ay ang biglaang pagtatanggal sa kanila sa trabaho ng walang maayos na abiso, paliwanag, o transparency mula sa management.

Isa sa tanong ng mga manggawa, bakit biglaang titigil ang negosyo gayong ang may ari mismo ang nagsabi na mataas ang demand ng produkto ngayon.

Facebook Comments