DRUG ABUSE PREVENTION PARA SA MGA PDL, ISINAGAWA SA BJMP DAGUPAN CITY JAIL

Isinagawa ang isang lecture ukol sa Drug Abuse Prevention and Rehabilitation sa Dagupan City Jail – Male Dormitory noong Mayo 21, 2026, bilang bahagi ng patuloy na programa nito para sa rehabilitasyon at kapakanan ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga at kahalagahan ng rehabilitasyon.

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa DTRC Dagupan ang lecture proper, kung saan tinalakay ang drug abuse prevention, pisikal at sikolohikal na epekto ng paggamit ng droga, at mga proseso ng rehabilitasyon.

Binigyang-diin din sa lecture ang kahalagahan ng personal na pagbabago, aktibong pakikilahok sa mga programang rehabilitasyon, at pagpapanatili ng drug-free na pamumuhay bilang paghahanda sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments