Isa patay, habang isa sugatan sa pamamaril sa Muntinlupa City

142

Manila, Philippines – Patay ang isang babae habang sugatan naman ang isa pa niyang kasamahan nito matapos pagbabarilin sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Luzviminda Gorme, 47-anyos.


isinugod naman sa pagamutan si Lilibeth Necor, 24-anyos, kapwa nakatira sa Brgy. Putatan ng nasabing lungsod.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na habang masayang nag-iinuman sina Gorme at Necor sa Sunflower St., South Green Heights Subdivision bigla na lang sumulpot ang hindi pa nakikilalang salarin at walang awang pinagbabaril ang mga ito bago tumakas sa hindi mabatid na direksiyon.

Si Gorme ay tinamaan sa ulo na agad niyang ikinasawi habang nasapol naman sa tiyan at kanang tuhod si Necor kaya’t mabilis itong dinala sa ospital.

Apat na bala ng kalibre .45 na baril ang nakuha ng SOCO sa crime scene.




Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso ng pamamaril.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments