Isa sa mga persons of interest sa kaso ng pagpatay kay Michael Angelo Remecio, hawak na ng Caloocan police

62

Manila, Philippines – Nasa kamay na ngayon ng Caloocan police ang isa sa mga persons of interest sa pagpatay kay Michael Angelo Remecio.

Kinilala ito na si Alexander Silugay, 22-anyos at residente ng Caloocan City.

Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Gayago – dinala ng mga barangay tanod sa Caloocan Police Community Precinct Station-3 kagabi si Silugay na isa umano sa apat na nakainuman ni Remecio noong August 27, petsa kung kailan huling nakitang buhay ang biktima.

Kwento ni Silugay, nagkaroon sila ng pagtatalo ni Remecio na humantong sa pananaksak hanggang sa mapatay ng isang alyas ‘Joshua’ ang binatilyo.

Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang iba pang kasama ni Silugay.

Facebook Comments