Isang babae, arestado sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Pasay City

26

Pasay City, Philippines – Arestado ang isang babae sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa M. Dela Cruz Street, Pasay City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Nida Dalino, 58 anyos, residente ng Facundo Street na kilalang gumagamit ng iligal na droga.

Sinasabing isinumbong ito ng kaniyang mga kapitbahay dahil na din sa nagwawala ito sa tuwing nakagamit ng droga.

Hindi naman na pumalag pa ang suspek na ngayon ay nasa kostudiya na ng Pasay police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments