Isang kolehiyo sa Maynila, binulabog ng Bomb Threat

26

Sinuspindi ngayon ng pamunuan ng Philippine College of Criminology (PCCR) ang klase ng lahat ng estudyante matapos na makatanggap ng bomb threat.

Sa kanilang Facebook page, inanunsiyo nila ang suspensiyon kung saan pinauwi ang mga estudyanteng nakapasok na matapos na matanggap ang pagbabanta ng pagpapasabog.


Agad na tumawag ng mga otoridad saka isinailalim sa inspeksiyon ang lahat ng sulok ng tatlong gusali ng kolehiyo at ang buong campus.

Bagama’t cleared na ay hindi na pinapasok ang mga mag-aaral habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinanggalingan ng bomb threat.

Sinisigugo naman ng pamunuan ng PCCR na magiging regular na pasok bukas, araw ng Martes.

Facebook Comments