
Iginiit ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. na hindi sapat ang rollback sa presyo ng langis kung hindi maibabalik ang presyo ng mga bilihin bago pa sumiklab ang gulo sa Gitnang Silangan.
Mensahe ito ni Garbin sa harap ng bumababang pandaigdigang presyo ng produktong petrolyo at nakatakbang rollback sa presyo ng langis sa ating bansa bukas.
Diin ni Garbin, kahit may nakatakdang oil price rollback ay patuloy na nag-aalala ang taumbayan na baka hindi na bumalik sa dating presyo noong January hanggang February ang halaga ng langis sa mga gas station.
Bunsod nito ay ipinunto ni Garbin na hindi pa rin makapasada ang mga pampublikong driver, at limitado pa rin ang biyahe ng mga produkto patungkol sa mga pamilihan.
Dagdag pa ni Garbin, nananatiling mataas pa rin ang presyo ng pagkain sa mga karenderiya at restaurant dahil domoble ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) simula noong Marso.
Sabi pa ni Garbin, asahan din pagtaas sa presyo ng school supplies at school uniforms simula sa susunod na buwan gayundin ang pagtaas ng singil sa kuryente.










