Nag-anunsyo ang Department of Energy (DOE) sa rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo na aabot sa P16.80 kada litro, habang P3.20 naman sa gasolina.
Kahapon, una nang inanunsyo ni Energy Usec. Sandy Sales na magkakaroon ng panibagong rollback sa petrolyo matapos na bahagyang bumaba ang presyo ng petrolyo sa global market.
Ito ay sa kabila ng anunsyo ni US President Donald Trump na blockade sa Strait of Hormuz.
Sinabi ni Sales na kung magpapatuloy ang ganitong market reaction, maaaring mas maging matatag ang presyo ng langis.
Facebook Comments










