
Tahasang tinawag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na desperado si Senator Imee Marcos.
Sinabi ito ni Tinio sa harap na pagpapalutang ni Senator Imee sa plano umano ng administrasyon na ikasa ang Constitutional Assembly (Con-Ass) para maamyendahan ang Konstitusyon at mapaahaba ang termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Diin ni Tinio, malinaw ang layunin ni Senator Marcos na mapigilan ang proseso ng impeachment lalo na ang paglilitis laban kay VP Duterte.
Bunsod nito ay nananawagan si Tinio sa lahat na huwag magpalinlang at patuloy na tututukan ang nakatakdang impeachment trial kay VP Sara.
Facebook Comments










