Tuesday, June 30, 2026

Biyahe ng mga jeep, apektado ng mga kilos-protesta ngayong araw ayon sa ilang transport groups; bahagi ng Mendiola sarado pa rin sa mga motorista

Umapela ang transport group na MANIBELA na idaan sa mahinahon na paraan ang nangyayaring kilos protesta ngayon.

Ayon kay MANIBELA Chairperson Mar Valbuena, sana ay iwasan na makaabala sa mga motorista, estudyante at sa mga hanapbuhay ng mga tsuper.

May ilang mga driver na aniya ang napilitan munang gumrahe dahil sa mabigat na trapiko.

Nilinaw naman ni Valbuena na kaisa sila ng Iglesia ni Cristo (INC) sa paghahanap ng transparency at accountability.

Bukod kay Valbuena, dismayado ang ilang transport group matapos isara ang ilang kalsada sa kahabaan ng EDSA bunsod ng kilos protesta.

Sinabi ni Pasang Masda President Ka Obet Martin na bagama’t kinikilala nila ang karapatan na magpahayag ng saloobin ay hindi ito dapat idaan sa paraan na nakakaprewisyonsa hanapbuhay ng mga nasa pampublikong transportasyon.

Apektado na rin anila ang maraming pasahero na ordinaryo lang naman anilang manggagawa.

Samantala, bukod sa Ayala Bridge, sarado pa rin ang kalsada sa bahagi ng Mendiola dito sa Maynila bilang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Malacañang.

Facebook Comments