Thursday, July 2, 2026

SRA, ikinalugod ang aksyon ng Negros Island leader upang solusyunan ang RSSI infestation

Ikinatuwa ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang aksyon ng mga nangungunang lider sa Negros Island para labanan ang lumalawak na banta ng red-striped soft scale insect (RSSI) infestation.

Kaugnay ito sa ipinasang resolution ng Provincial Board ng Negros Occidental na nagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan dahil sa patuloy na infestation ng invasive sugarcane pest kasunod na rin ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) .

Ang deklarasyon ng state of calamity ay magbibigay-daan sa pamahalaang panlalawigan na maglabas ng pondo na kinakailangan para sa pagpapatupad ng emergency response, containment, rehabilitation at recovery measures laban sa RSSI.

Ayon sa PDRRMC, sa 190,314 ektarya na kabuuang taniman ng tubo, 61,242 ektarya o 32.18 porsiyento ang naiulat na apektado ng RSSI.

Higit sa 60 porsyento ng output ng asukal sa bansa ay nanggagaling sa Negros.

Nanganganib na mabawasan ang produksuon ng asukal ng hanggang 50 percent dahil sa RSSI.

Facebook Comments