Tuesday, June 30, 2026

Parusa sa total cellphone ban sa mga paaralan, dapat munang suriin ayon sa Malacañang

Kinikilala ng Malacañang ang layunin ng total cellphone ban sa mga paaralan, pero dapat suriin kung makatwiran ang parusang kumpiskahin ang cellphone ng mga lalabag hanggang sa matapos ang school year.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang pinal na posisyon ang Malacañang sa panukalang ipatupad ang nationwide cellphone ban dahil hinihintay pa ang rekomendasyon ni Education Secretary Sonny Angara.

Bagama’t may mga pribadong paaralan na aniyang nagbabawal ng paggamit ng cellphone habang may klase, pinapayagan pa rin ito kapag may emergency.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng direktiba ni Dumanjug, Cebu Mayor Efren Gica, kukumpiskahin ang cellphone ng mga estudyanteng lalabag sa polisiya at ibabalik lamang bago matapos ang school year.

Ayon sa alkalde, layunin ng hakbang na mabawasan ang paggamit ng gadgets upang mas makapagpokus ang mga estudyante sa pag-aaral at mas makihalubilo sa kanilang mga kaklase.

Facebook Comments