Isang PDEA agent, nasawi sa drug operation sa Pampanga; target na drug personality, patay rin

Patay ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation sa Pampanga.

Isinagawa ang anti-drug operation ng bandang alas-8:30 kagabi, Oktubre 21, 2022 sa Barangay San Francisco, Mabalacat City, Pampanga.

Target ng operating unit ng PDEA Pampanga ang drug personality na si Buna Angnie o Noim Daracab.


Sa naturang operasyon, nakumpiska sa suspek ang isang pirasong knot tide na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at may street value na ₱340,000, ang buy bust money at isang kalibre .45 na pistola.

Nang makatunog ang suspek na PDEA agent ang ka-transaksyon, agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga tauhan ng PDEA Region-3 at ng Pampanga Police Office.

Nagresulta ito sa armadong komprontasyon na ikinamatay ng target personality.

Subalit, nasawi rin sa sagupaan si PDEA Gent Daniel Discaya na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Facebook Comments