Thursday, August 20, 2026

VP Duterte, nakakadagdag sa kultura ng karahasan sa halip na maging mabuting halimbawa bilang ikalawa sa pinakamataas na lider ng bansa

Naniniwala si House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na may ambag si Vice President Sara Duterte, ang pamilya nito kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng kultura ng karahasan sa bansa.

Tinukoy ni Kapunan ang mga pahayag ni VP Sara na sa halagang ₱5,000 ay kaya niyang kumuha ng assassin, ang imahinasyon na sya ay may pinupugutan, at may kinausap na sya para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito.

Sinabi ito ni Kapunan kasunod ng pamamaril ng isang estudyante sa Ateneo de Zamboanga University.

Binanggit din ni Kapunan si dating Pangulong Duterte na nakakulong sa The Hague dahil sa crimes against humanity bunga ng mga extra judicial killings at paglabag sa mga karapatang-pantao na naganap sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Kapunan, ang ganitong mga lider ng bansa ay nagpapakita ng hindi magandang halimbawa sa ating mga kabataan.

Bunsod nito ay iginiit ni Kapunan na sa pamamagitan ng impeachment ay maipapakita sa lahat na hindi pwedeng hayaan na nangyayari ito at hindi pwedeng walang responsibilidad ang Vice President natin.

Facebook Comments