Wednesday, August 19, 2026

Ateneo de Zamboanga shooting, patunay sa masamang impluwensya ng social media at video games sa mga kabataan

Ikinaalarma ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na dalawang buwan matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban ay nangyari naman kahapon ang Ateneo de Zamboanga shooting.

Diin ni De Lima, ipinapakita ng nabanggit na mga insidente ng karahasan ang masamang impluwensya ng social media at video games sa mga kabataan.

Bunsod nito ay nananawagan si De Lima para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga epektibong safeguards o proteksyon sa mga kabataan upang hindi na maulit ang kaparehong trahedya.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si De Lima sa pamilya ng mga biktima kaakibat ang dalangin na agarang gumaling ang mga nasugatan.

Pinapatiyak din ni De Lima na mabigyan ng kinakailangang paggabay ang lahat ng mga mag-aaral, magulang, guro at kawani na naapektuhan ng nasabing insidente.

Facebook Comments