Friday, June 19, 2026

PBBM, Putin at ASEAN leaders, pinagtibay ang Kazan Declaration 2026 at mga kasunduan sa enerhiya at kultura

COURTESY: Presidential Communications Office

Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Russian President Vladimir Putin, at mga lider ng Southeast Asia ang Kazan Declaration 2026 at tatlo pang mahahalagang dokumento sa Association of Southeast Asian Nations-Russia Commemorative Summit sa Kazan, Russia.

Ang Kazan Declaration 2026 ay naglalatag ng mga pangunahing direksyon ng kooperasyon ng ASEAN at Russia sa mga susunod na taon.

Inaprubahan din ang ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action 2026-2030 na magsisilbing gabay sa pagpapalalim ng estratehikong ugnayan ng dalawang panig.

Pinagtibay rin ang magkahiwalay na joint statements at concept papers para sa kooperasyon sa kultura at enerhiya.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga dokumentong ito ay magsisilbing malinaw na roadmap upang mapalawak ang kooperasyon at makapaghatid ng konkretong benepisyo sa mamamayan ng ASEAN at Russia.

Nagpalitan din ng pananaw ang mga lider hinggil sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at napapanatiling kaunlaran sa rehiyon at sa buong mundo.

Facebook Comments