Friday, June 19, 2026

Atty. Levi Baligod at 18 ‘maleta boys’ handang harapin ang mga reklamong isinasampa sa kanila ng mga idinawit sa isyu ng pagtanggap umano ng pera

Nakahanda sina Atty. Levi Baligod na harapin ang mga kasong isasampa laban sa kanila kaugnay sa isyu ng pagdedeliver umano ng maleta na naglalaman ng mga pera.

Sinabi ito ni Baligod nang magtungo sa Department of Justice ngayong Biyernes para asikasuhin ang counter affidavit na isusumite sa prosecutors office sa San Fernando, La Union.

Ayon kay Baligod, kinasuhan din sila ng cyber libel ni La Union Rep. Paolo Ortega matapos itong pangalanan na isa umano sa tumanggap ng pera.

Sabi pa ng abogado ng 18 ‘maleta boys’, tuloy ang kanilang laban at handa silang harapin ang lahat kung ito raw ang kabayaran sa pagsisiwalay ng korapsiyon laban sa mga opisyal ng gobyerno.

Muli ring iginiit ni Baligod na handa silang humarap sakaling magpatawag ulit ng hearing ang Senate Blue Ribbon Committee at maimbitahan sila.

Sa ngayon, patung-patong na reklamo ang kinakaharap nina Baligod at 18 bodyguards ni Zaldy Co mula sa iba’t ibang personalidad at opisyal ng pamahalaan na kanilang idinawit sa isyu ng pagtanggap umano ng maleta.

Facebook Comments