Friday, April 24, 2026

Rep. De Lima, umaasa na magbabago ang pasya ni dating VP Robredo kaugnay sa 2028 Presidential Elections

Patuloy na aasa si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na magbabago ang pasya ni dating Vice President at ngayon ay Mayor Leni Robredo na hindi sya kakandidato sa anumang national position sa 2028 elections.

Nauunawaan ni De Lima na maraming pang nasi makamit si Robredo para sa Naga at sa kanyang mga kapwa Bicolano.

Pero giit ni De Lima, sana ay magbago pa ang desisyon ni Robredo dahil ito ang may pinakamalakas na tsansa na manalo sa mga opposition candidates para sa pampanguluhang halalan.

Tiwala rin si De Lima sa karungunan ni Robredo at sa kahandaan na palaging tumugon sa tawag ng tungkulin para sa Naga at sa buong bansa.

Facebook Comments