
Hiniling ng Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng petrolyo na ipatupad ang oil price rollback na inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Sharon Garin, hindi dapat kulang o paunti-unti ang pagpapatupad ng rollback.
Malinaw aniya ang direktiba ng Pangulo na ipatupad ito nang buo, tama, at walang pagkaantala—o isang beses na malakihang rollback sa presyo ng petrolyo.
Sa inilabas na video statement, nasa P24.94 ang dapat ibawas sa kada litro ng diesel, P3.41 sa gasolina, at P2 sa kerosene.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng malaking oil price hike.
Ilan sa mga oil company ay mas mataas pa ang ibinaba kumpara sa inanunsiyo ng Pangulo.
Facebook Comments










