Thursday, April 23, 2026

Alliance of Concerned Teachers, muling humirit sa DBM ng dagdag sahod

Nagkasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa labas ng Department of Budget and Management (DBM) upang igiit ang matagal nang hiling na dagdag sahod para sa mga guro at education workers.

Bukod sa umento sa sahod, hiniling din ng grupo ang mas maayos na benepisyo, malinaw na proseso sa promosyon, at regularisasyon ng mga education workforce.

Giit ng ACT, nararapat itaas sa P50,000 ang entry-level salary ng mga guro, habang P36,000 naman para sa mga education support personnel.

Panawagan din ng grupo na itaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) mula P2,000 hanggang P5,000, dahil sa patuloy na epekto ng krisis sa kanilang pamumuhay.

Hiniling din ng ACT na tutukan ng administrasyon ang kalagayan ng mga guro at non-teaching personnel, na anila’y napapabayaan ng Department of Education (DepEd).

Facebook Comments