Wednesday, April 22, 2026

Driver ng PNP coaster na nasangkot sa banggaan sa bus lane sa EDSA, kinasuhan na

Sinampahan na ng reklamo ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng PNP coaster na nasangkot sa banggaan sa bus lane sa EDSA noong April 17.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang isinampa ng PNP-Logistics Support Service sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa nasabing personnel.

Nauna nang inalis sa puwesto ang driver at ang kanyang immediate supervisor matapos ang insidente.

Ayon sa PNP, bahagi ito ng kanilang ipinatutupad na zero tolerance policy sa loob ng organisasyon.

Facebook Comments