
CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng Job Fair Service Caravan ang Department of Migrant Workers Regional Office 2 at 4th Congressional District Office sa Lungsod ng Santiago para sa mga indibidwal na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Gaganapin ang job fair sa Robinson’s Place, Santiago City, sa ika-15 ng Marso, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Walong (8) ahensya ang lalahok sa aktibidad at mag-aalok ng iba’t ibang trabaho para sa mga aplikante.
Katuwang sa naturang programa ang OWWA, TESDA, PAG-IBIG Fund, PhilHealth, NBI, SSS, PSA, Red Cross, at ang mga Lokal na Pamahalaan ng ika-apat na Distrito upang magbigay ng kaukulang suporta sa mga aplikante.
Facebook Comments