June 24, ideneklara ng Malakanyang na special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila

Ideneklara ng Malakanyang ang June 24 araw ng Sabado bilang special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila.

Batay ito sa Proclamation No. 261 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ito kaugnay ng pagdiriwang ng 452nd anniversary ng pagkakatatag ng Maynila o Araw ng Maynila.


Inilabas ng Palasyo ang direktiba para bigyan ng pagkakataon ang mga Manileño na ipagdiwang ang kanilang espesyal na okasyon.

Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Bersamin kahapon, June 15.

Facebook Comments