Tuesday, June 23, 2026

DEADLINE NG PAGCOR PHOTO CONTEST SA HUNYO 30 NA

Inaanyayahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga amateur at professional photographer sa bansa na isumite ang kanilang entries para sa PAGCOR Photography Contest 2026 bago ang deadline sa Hunyo 30.

May temang “Kids@Play,” layunin ng kompetisyon na ipakita ang pagiging malikhain ng mga kalahok sa pamamagitan ng mga larawang sumasalamin sa saya, sigla, at mga aral na natututuhan ng mga bata sa paglalaro.

Bukas ang patimpalak sa lahat ng Filipino amateur at professional photographers na may edad 16 pataas.

Ayon kay PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco, hangad ng patimpalak na maihayag kung paano nakatutulong ang paglalaro sa paghubog ng karakter at pangarap ng mga bata

“Beyond providing enjoyment, play helps children develop important values such as discipline, perseverance, sportsmanship, and resilience,” ani G. Tengco. “These qualities help shape character and lay a strong foundation for achieving their dreams and aspirations in life.

Hinikayat din niya ang mga mahilig sa photography na samantalahin ang nalalabing panahon upang maipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain.

“Sa nalalabing mga araw bago ang deadline, hinihikayat namin ang lahat ng mahilig sa potograpiya na lumahok sa PAGCOR Photography Contest 2026,” ani G. Tengco.

“Ikuwento natin sa pamamagitan ng mga larawan ang saya, sigla, at mahahalagang aral na hatid ng paglalaro sa kabataan. Ito rin ay pagkakataon upang maipakita ang husay at pagkamalikhain ng mga Pilipino,” dagdag niya.

May tatlong kategorya ang kompetisyon: Conventional para sa mga larawang kuha gamit ang tradisyonal o digital cameras; Mobile para sa mga larawang kuha gamit ang smartphone o tablet; at Drone para sa mga larawang kuha gamit ang drone-mounted cameras.

Tatanggap ng tig-P100,000 at tropeo ang walong mananalo sa Conventional Category, habang tig-P50,000 at tropeo naman para sa walong mananalo sa Mobile at Drone categories.

May consolation prizes din para sa 24 finalists. Tatanggap ng tig-P35,000 ang mga finalist sa Conventional Category, habang tig-P20,000 naman ang mga finalist sa Mobile at Drone categories.

Maaaring isumite ang mga entry sa opisyal na website ng patimpalak (www.pagcor.ph/photocon2026) bago o pagsapit ng Hunyo 30, 2026.

 

Facebook Comments