Sa ilalim ng kasunduan, mananatiling pag-aari ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang ang lupang kinatatayuan ng paaralan, habang binibigyan naman ang DepEd ng karapatang gamitin at pamahalaan ito para sa mga programang pang-edukasyon.
Hakbang ito sa pagtitiyak sa seguridad ng operasyon at mapanatili ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga susunod na henerasyon ng mag-aaral.
Sa mga nakalipas na taon, malaki ang naging puhunan ng pamahalaang lokal sa pagpapaunlad ng mga pasilidad pang-edukasyon, kabilang ang pagtatayo ng Don Teofilo C. Mataban Memorial School sa Barangay Ligue at iba pang imprastrukturang sumusuporta sa lumalaking populasyon ng mga mag-aaral.
Dahil dito, mas lumawak ang kapasidad ng mga paaralan sa bayan at nabigyan ng mas maraming kabataan ng pagkakataong makapag-aral sa mas maayos at malapit na paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







