Tuesday, June 23, 2026

Magiging pasya ng Impeachment Court hinggil sa mapipiling presiding officer sa impeachment trial, igagalang at susundin ng House Prosecution Panel

Igagalang at susundin ng House Prosecution Panel ang magiging pinal na desisyon ng Senate Impeachment Court hinggil sa kung sino ang uupong presiding officer sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito nina House Trial Spokesperson Representative Zia Alonto Adiong at House Prosecutor Terry Ridon.

Diin ni Adiong, nirerespeto nila ang independence ng Senado basta ang mahalaga sa kanila ay maging mabilis at patas ang paglilitis kay VP Sara.

Ayon kay Adiong, ito ay para mabigyan na rin ng kasugutan ang mga tanong ng taumbayan at magkaroon na ng “closure” sa impeachment case laban sa bise presidente.

Binanggit naman ni Ridon, na okay lang sa kanilang kung si Senate President Win Gatchalian o si Senator Chiz Escudero o kahit sinong senador ang maging presiding officer ng impeachment trial.

Facebook Comments