
Matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, balik face-to-face classes na ang mga paaralan sa munisipalidad ng Malita, Santa Maria, at Don Marcelino sa Davao Occidental simula ngayong Lunes, June 22.
Alinsunod yan sa Memorandum Order No. 70, Series of 2026 mula sa Office of the Governor ng Davao Occidental, matapos ideklarang ligtas nang gamitin ang mga silid-aralan at imprastruktura sa mga paaralan sa nasabing mga lugar.
Samantala, magpapatupad naman ng Alternative Learning Modalities, gaya ng online at modular learning, take-home learning activities, at iba pang learning delivery modes, ang mga paaralan sa Jose Abad Santos at Sarangani na lubhang naapektuhan ng nasabing lindol.
Hinimok din ang lahat ng paaralan sa Davao Occidental na magsagawa ng Psychological First Aid at iba pang psychosocial support interventions para sa mga estudyante, guro, at iba pang personnel ng mga paaralan, para matugunan ang stress, trauma, at anxiety na idinulot ng magnitude 7.8 na lindol at mga aftershocks.










