Friday, June 19, 2026

PBBM, kumpiyansa sa kakayahan ni Sen. Chiz Escudero na tumayong presiding officer ng Senate Impeachment Court

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang pamunuan ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung siya ang magiging presiding officer ng Senado bilang impeachment court.

Ito ang pahayag ng pangulo nang tanungin tungkol sa mga kritisismo laban kay Escudero kaugnay ng posibleng paghawak nito sa paglilitis.

Ayon kay Pangulong Marcos, opinyon lamang ang mga batikos at hindi ito dapat maging batayan sa kakayahan ni Escudero na pangunahan ang proseso.

Binigyang-diin ng pangulo na mismong si Escudero ang bumalangkas ng mga panuntunang ginagamit ng Senado sa nakaraang impeachment proceedings.

Dagdag pa niya, hindi rin umano maikakabit kay Escudero ang pagkakahinto ng nakaraang impeachment trial dahil bunga ito ng naging desisyon ng Supreme Court at hindi ng anumang pagkukulang ng senador.

Facebook Comments