‘KA-COOP NUTRITION AND HAPAG EXPO’, ISINAGAWA SA SIYUDAD NG ALAMINOS

Isinagawa ang “KA-COOP NUTRITION AND HAPAG EXPO” na may temang “Walang ka-coop na matamlay, sa hapag-kainang may gulay” na dinaluhan ng mga Idols nating mahihilig magluto at Veggie lovers sa Alaminos City, Pangasinan nito lamang nakaraang July 24 ngayong taon.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang bahagi selebrasyon ng Nutrition Month at HAPAG program sa pangunguna ng kanilang City Cooperative Development Office.
Tampok sa aktibidad na ito ang Iba’t-ibang klase at putahe na inihanda ng mga nakilahok. Ipinamalas rin nila ang kanilang husay sa pag-disenyo at platings ng mga nailutong gulay. Ito rin ay isinagawa upang makatulong sa livelihood trainings ng mga kababayan sa naturang lugar at mas marami pang mahikayat na kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments