Nakiisa sa isang bloodletting activity ang karagdagang 300 city scholars upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Isinagawa ang aktibidad noong Nobyembre 18, 2026 sa CSI Big Atrium sa pakikipagtulungan ng City Health Office at Philippine Red Cross.
Layunin ng programa na makalikom ng sapat na suplay ng dugo na maaaring magamit sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion, partikular sa mga emergency cases.
Pinuri naman ang mga kabataang iskolar sa kanilang ipinakitang malasakit at kahandaang magbahagi ng dugo upang makatulong at makapagligtas ng buhay ng kanilang kapwa.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, muling ipinakita ng mga city scholars na hindi lamang edukasyon ang kanilang isinusulong kundi maging ang diwa ng bayanihan at paglilingkod sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








