16,5000 PUNLA, IPINAMAHAGI SA MGA AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES SA PANGASINAN

Aabot sa 3,725 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang nakinabang sa distribusyon ng kabuuang 16,502 pakete ng mga binhi ng gulay, na ipinaabot sa pamamagitan ng 113 Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) sa Pangasinan.

Layunin ng distribusyon na mapababa ang gastusin sa produksyon ng mga magsasaka at matulungang maipagpatuloy ang kabuhayan sa kabila ng umiiral na krisis sa enerhiya sa bansa.

Kabilang sa mga ipinamigay na binhi ang mga climate-resilient na pananim gaya ng ampalaya, talong, siling pula, sitaw, kamatis, at okra.

Bahagi ang naturang distribusyon ng proyektong “Restoring the Livelihoods of ARBs in ARCs Affected by Typhoons Nando and Opong,” na pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund (ARF) upang makabangon at maipagpatuloy ang produksyon matapos ang mga nagdaang kalamidad.

Inaasahang mas mapapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa Pangasinan na mapanatiling produktibo ang kanilang sakahan at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Facebook Comments