
Magdaragdag ng panibagong payout days ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga motorcycle taxi at delivery riders na tatanggap ng cash relief assistance na Php 5,000 .
Ayon sa DSWD , posibleng marami pang tricycle drivers ang hindi makakuha ng ayuda sa itinakdang dalawang araw na special payout.
Asahan na isasagawa ang karagdagang schedule sa susunod na linggo.
Ngayong araw, magpapatuloy ang payout sa apat na lugar, sa Caloocan Sports Complex, Makati Coliseum, Mercado del Lago, at Quezon City Memorial Circle.
Batay sa pinakahuling ulat, umabot sa 9,270 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa Caloocan kahapon, 5,066 naman sa Makati Coliseum sa Makati City habang nasa 3,932 sa Quezon City Memorial Circle at 8,790 sa Mercado del Lago sa Taguig City.
Sa Quezon City , maaga pa lang nagsimula nang magsidatingan ang mga rider para pumila at kumuha ng kanilang ayuda sa QC Memorial Circle.










