
Inihain ngayong araw ng Makabayan Bloc ang House Resolution no. 1120 na nagsusulong na imbestigahan ng kaukulang komite sa kamara ang paguho ng isang syam na palapag na gusali sa Angeles, Pampanga, na ikinasawi ng 30 katao at marami ang nasugatan.
Ang paghahain ng resolusyon ay pinangunaha ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, kasama ang ilang naulilang pamilya at kaanak ng mga biktima.
Ayon kay Tinio, target ng pagdinig na matukoy ang ugat ng trahedya tulad ng posibleng paglabag sa Occupational Safety and Health Standards Law at Building Standards.
Giit ni Tinio, kailangang may managot upang mabigyan agad ng hustisya ang mga biktima.
Facebook Comments










