Monday, June 15, 2026

Pilipinas, mas aktibong makikilahok sa mga isyung pandaigdig

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako ng Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa para sa kapayapaan, kaunlaran, at matatag na pandaigdigang ugnayan.

Sa Vin d’Honneur sa Malacañang, sinabi ng pangulo na mananatiling tapat ang bansa sa mga prinsipyo ng United Nations (UN) at sa pagsusulong ng isang makatarungan at nakabatay-sa-batas na pandaigdigang kaayusan.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang matibay na pagkakaibigan at kooperasyon sa ibang bansa upang mapalakas ang pag-unlad ng Pilipinas.

Binigyang-diin din niya na nakatulong ang mga pakikipagpulong niya sa mga lider ng iba’t ibang bansa upang mapalawak ang ugnayan sa kalakalan, pamumuhunan, at iba pang mahahalagang larangan.

Inaasahan din ng Pangulo ang pagdaraos ng mga internasyonal na pagpupulong sa bansa sa mga susunod na buwan, kabilang ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation sa Southeast Asia.

Nagpasalamat din si Marcos sa suportang ibinigay ng iba’t ibang bansa sa kandidatura ng Pilipinas para sa puwesto sa United Nations Security Council (UNSC).

Facebook Comments