380 FOOD PACKS, IBINIGAY SA MGA MANGINGISDANG APEKTADO NG OIL SPILL SA ILOCOS SUR AT ILOCOS NORTE ‎ ‎

Binigyan ng kabuuang 380 food packs ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa mga bayan ng Sinait, Ilocos Sur, at Badoc, Ilocos Norte mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 1 (BFAR-RFO1).


‎Ayon sa ulat, apektado umano ang mga mangingisda sa mga naturang lugar matapos ang insidenteng pagsadsad ng cargo vessel na LCT MSCI 1 sa baybayin ng Barangay La Virgen Milagrosa, Badoc, Ilocos Norte noong Hunyo 8, 2026.

‎Nagsagawa umano ng emergency beaching ang barko dahil sa masamang panahon at malalakas na alon. Kalaunan, natukoy ang pagtagas ng langis mula sa sasakyang-dagat na nakaapekto sa ilang bahagi ng baybayin.

‎Dahil dito, nagsagawa ang BFAR-RFO1 ng assessment sa mga apektadong komunidad at nagbigay ng food assistance.

‎Patuloy namang isinasagawa ng mga kinauukulang ahensya ang containment at cleanup maging ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Social Welfare and Development (DSWD). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments