Monday, October 26, 2026

P50-M patong sa ulo ni Sen. Bato, hindi direktang iniutos ni PBBM—Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na hindi direktang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalaan ng P50 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bahagi ito ng operasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), na kapwa may nakalaang confidential at intelligence funds.

Paliwanag ni Castro, estratehiya ito nina DILG Secretary Jonvic Remulla at ng pamunuan ng PNP, kaya hindi na kailangang personal na mag-utos ang pangulo ng partikular na halaga ng pabuya.

Binigyang-diin niyang dapat mapatunayan ng mga kinauukulang ahensya ang aktuwal na operasyon at resulta ng paggamit ng naturang pondo.

Hindi naman direktang sinagot ni Castro kung magkakaroon din ng kaparehong pabuya para sa iba pang pugante.

Facebook Comments