
Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice, cyber libel, at pagpapakalat ng maling balita laban kay dating Office of the Vice President (OVP) Information Officer na si Jeffrey Tupas.
Ito ay matapos hindi sumipot si Tupas sa inilabas na subpoena ng NBI hinggil sa imbestigasyon sa flood control projects at sa mga pahayag ng testigong si Rodulfo Gracioso Jr. sa halip ay nagsumite na lamang ito ng kaniyang affidavits.
Muling binigyang-diin sa imbestigasyon ang alegasyon ni Gracioso na naghatid umano siya ng mga maletang naglalaman ng bilyun-bilyong piso para kay VP Duterte sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Kung saan nadamay rin si Tupas na umano’y nakatanggap din ng bahagi ng pera bagay na mariing itinanggi ng dalawa.
Itinanggi ni NBI Director Melvin Matibag ang balitang binayaran nila si Tupas, at sinabing ang dating opisyal mismo ang humingi ng proteksyon dahil sa mga banta sa kaniyang buhay.










