Friday, October 23, 2026

₱600,000 halaga ng hindi rehistradong pampaputing sabon, nakumpiska sa Bulacan

Nakumpiska ng Anti-Organized Crime Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 50 kahon na naglalaman ng 5,000 piraso ng hindi rehistrado at pekeng pampaputing sabon na nagkakahalaga ng ₱600,000.

Ang operasyon ay isinagawa sa isang warehouse sa Guiguinto, Bulacan, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang babaeng suspek na isang Chinese national at isang Pilipina.

Naaresto ang mga ito habang namamahagi, nagbebenta, at nakikipagkalakalan ng mga produktong pampaputing sabon na walang kaukulang rehistro at awtorisasyon mula sa may-ari ng trademark.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009 at Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Morico II, ang mga hindi rehistradong sabon ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan dahil posibleng naglalaman ang mga ito ng mga hindi ligtas na aktibong kemikal.

Facebook Comments