
Nilinaw ng Malacañang na hindi pulitika ang batayan ng pagpapalitan ng puwesto nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano, nakabatay sa pangangailangan ng mga ahensya at mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga desisyon sa Gabinete, hindi sa mga batikos laban sa mga opisyal.
Kasunod ito ng mga puna ni Senator Panfilo Lacson kay Dizon kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad sa mga flood control project sa Taguig City.
Binigyang-diin ni Cayetano na mas mahalaga sa pangulo ang mga pangmatagalang solusyon na magpapabago sa sistema at magpapabilis sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Kapwa naman tinawag ni Cayetano na mahusay na kalihim sina Dizon at Lopez, habang patuloy na sinusuri ng pangulo ang performance ng mga ahensya upang matiyak na nakikinabang ang publiko sa mga programa ng pamahalaan.
Sa bagong ayos ng Gabinete, bumalik si Dizon bilang kalihim ng DOTr, habang si Lopez naman ang mamumuno sa DPWH.










