Tuesday, October 27, 2026

Mosyon ng prosekusyon na tanggalin si Justice Moreno sa pagdinig ng malversation case ni dating Sen. Bong Revilla, ibinasura ng Sandiganbayan

Hindi kinatigan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ng prosekusyon na tanggalin si Senior Associate Justice Ronald Moreno sa paglilitis sa malversation case ni dating Sen. Bong Revilla.
 
Nakasaad umano sa 69-page motion ng prosekusyon, na inihain noong Agosto 25, ang umano’y pambabastos ni Moreno sa kanilang testigo na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
 
Nakakabahala rin umano ang paraan ng pagtatanong ni Moreno kay Alcantara, partikular ang pagkukuwestiyon nito sa pagkakasama ng testigo sa Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ).
 
Gayunman, ibinasura ng Sandiganbayan ang nasabing mosyon dahil umano sa kawalan ng merito.
 
Matatandaang isa si Moreno sa dalawang hukom na bumoto upang payagang makapagpiyansa si Revilla sa nasabing kaso.

Facebook Comments