Sa ilalim ng bagong polisiya, magtatrabaho ang mga empleyado ng munisipyo mula Lunes hanggang Huwebes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Tuwing Biyernes naman ay ipatutupad ang work-from-home (WFH) arrangement.
Gayunman, hindi saklaw ng WFH setup ang Municipal Health Office at Local Disaster Risk Reduction and Management Office, na mananatiling naka-duty on-site upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.
Kasabay nito, ipinatutupad din ang mahigpit na energy conservation measures, kabilang ang limitadong paggamit ng kuryente at agarang pagpatay ng mga kagamitan matapos ang opisyal na oras ng trabaho.
Epektibo ang kautusan simula noong Mayo 4 at mananatili hanggang sa magkaroon ng panibagong amyenda mula sa lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








