
Umabot na sa kabuuang 199,367 na mga indibidwal o katumbas ng higit 52,000 na mga pamilya ang naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon ayon ito sa huling tala ng Office of Civil Defense (OCD).
Ang nasabing tala ay mula sa 124 na barangays na naapektuhan ng nasabing pag-alburoto.
Kung saan ang 1,444 na pamilya rito o katumbas ng 5,459 na mga indibidwal ay kasalukuyang nananalagi sa mga evacuation centers.
Habang 26 na pamilya o katumbas ng 85 na indibidwal ay nananatili naman sa labas ng mga evacuations.
Tiniyak naman ng OCD na pinatutupad nila ang whole-of-government response sa pagputok ng Bulkang Mayon.
Pati na ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mahigpit na evacuation protocol para sa kaligtasan ng mga residente.










